Hontiveros nananawagan ng mahusay na proteksyon sa mga delivery riders

Muling nanawagan si Sen. Risa Hontiveros kahapon para sa agarang pagpasa ng isang panukalang naglalayong mas matiyak ang karapatan ng mga manggagawa sa gig economy matapos pumabor ang Korte Suprema sa mga na-dismiss na delivery riders ng isang online shopping platforms sa isang desisyon na inilabas noong nakaraang linggo.

Sinabi ni Hontiveros na ang kanyang panukala na tinatawag na Protektadong Online Workers, Entrepreneurs, Riders, at Raketera o POWERR Bill na inihain noong Oktubre ay magiging mahalaga sa pagtulong sa mga freelance workers na makakuha ng mga benepisyo.

Noong Biyernes, inutusan ng Korte Suprema si Lazada na ibalik ang limang dating delivery riders—na na-dismiss noong 2017 matapos kontragin ang desisyon ng National Labor Relations Commission at ng Court of Appeals na nauna nang nagsabing walang employer-employee relationship na namamagitan sa pagitan ng mga rider at ng kumpanya

Lahat sila ay dapat ding tumanggap ng kanilang buong back wages dahil sila ay inalis mahigit limang taon na ang nakalilipas.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *