Hontiveros, pinuri ang PhilHealth dahil sa pagpapalawak sa dialysis coverage

Pinuri ni Senator Risa Hontiveros ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) dahil sa pagpapataas sa coverage para sa outpatient hemodialysis mula sa kasalukuyang 90 hanggang 156 sessions ngayong taon.

Ayon kay Hontiveros, hindi dapat na dinidismaya ang mga kababayan na umaasa sa naturang financial protection.

Umaasa naman ang senadora na agad mailalabas ang policy guidelines para dito sa lalong madaling panahon.

Samantala, nais din ng mambabatas na mahigpit na isulong ng PhilHealth ang institutionalization ng naturang benefit program at tugunan ang maraming implementation issues.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *