Hontiveros sa China – ‘wag’ pangunahan ang ipinatutupad na foreign policy

Nanindigan si Senadora Risa Hontiveros na hindi dapat pangunahan ng China ang Pilipinas hinggil sa ipinatutupad nitong foreign policy.

Ito pa rin ay sa gitna ng nagpapatuloy na tensiyon sa pagitan ng Beijing at ng Washington matapos ang pagbisita ni US House Speaker Nancy Pelosi sa Taiwan – kung saan ay sinabi ni Chinese Ambassador Huang Xilian na dapat ay sumunod pa rin ang Pilipinas sa ipinaiiral nitong ‘one-China’ policy.

Sa isang pahayag, sinabi ni Hontiveros na hindi dapat nile-lecturean ng envoy ang Pilipinas sa kung papaano ito ipatutupad ang sarili nating independent foreign policy lalo na’t ang China pa nga raw mismo ang nagmamatigas sa hindi nito pagsunod sa arbitral ruling sa mga pinagaagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Pinaalalahanan ng Senadora ang Ambassador na mayroong karapatan ang Pilipinas na mag-review, mag-amyenda, o baguhin ang ating foreign policy.

Binatikos pa ni Hontiveros ang ‘special relationship’ sa pagitan ng China at ng Pilipinas.

Bago raw tayo pangunahan at manduhan ng China, dapat ay maturo raw muna silang rumespeto sa ating mga karagatan, teritory, at soberanya.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published.