Hospital beds sa CNPH para sa mga pasyenteng may COVID- 19 sapat pa rin sa kabila ng araw- araw na mataas na mga naitatalang kaso

CAMARINES NORTE- Tiniyak ng Provincial Health Office (PHO) na sapat pa rin ang mga kama sa Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH) para sa mga pasyenteng may COVID- 19 sa kabila ng araw- araw na mataas na naitatalang kaso ng sakit sa lalawigan.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet, sinabi ni acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco na hindi isyu sa ngayon ang kakulangan  sa hospital beds dahil kung sakali ay mayroong pribadong ospital na pwedeng pagdalhan kung magkapunuan.

Naiiwasan naman ang pagkapuno ng CNPH dahil ang mga COVID positive na asymptomatic at mayroong mild symptoms ay hindi naman dito dinadala.

Ang mga ito aniya ay nasa Temporary Treatment and Monitoring Facility (TTMF) ng mga LGU.

Bukod dito hindi kailangang tapusin sa ospital ang isolation ng mga pasyenteng may COVID dahil kapag pwede na ay sa TTMF na ito dinadala para ipagpatuloy ang quarantine period.

Pagdating naman sa bilang mga healthcare worker na nag aasikaso sa COVID patients, siniguro ni Francisco na hindi pa naman sila nagkukulang dahil sa mga stratehiyang  ipinapatupad ng pamunuan ng ospital.

“Nasa normal basis pa tayo pagdating sa ating healthcare worker so, kaso lang meron naman tayong mga strategy katulad niyan yung mga asymptomatic, mild ay hindi na nga natin dito dinadala at dun na lang sa kanilang mga pasilidad sapagkat ang isa nating tintingnan ay yung sinasabi mong healthcare utilization, dadami ang kanilang babantayan at kulang ang ating mga staff ano, at the same time yung pagco- congest ng ating hospital, lahat yan mga pondo, pagkain, kuryente ay dapat mo yang susumahin para naman ma- strategized mo yung pondo mo dito sa loob ng hospital,” ani Francisco.

Leave a Reply

Your email address will not be published.