Hostage takers sa Sweden, humingi ng pizza bilang ransom

SWEDEN—  Madalas tayong nangangamba at nakakadama ng takot sa tuwing may mga napapabalita na insidente ng hostage taking.

Bukod kasi sa lubhang delikado ito dahil nasa kamay ng hostage taker ang buhay ng kanyang biktima, nakaka pressure din ang hihingin nitong ransom na madalas ay malaking halaga ng pera.

Ngunit sa bansang Sweden, natakot, nangamba at natawa ang mga residente sa nasabing bansa matapos na maiulat ng local news media ang hostage taking incident na nangyari sa isang bilangguan doon.

Sa halip kase  na malaking halaga ng salapi ang hingin ng dalawang preso na nang hostage ng dalawang ‘prison guards’ pizza ang hiningi nitong kapalit ng buhay ng kanilang mga biktima.

Inabot ng halos siyam na oras ang naging negosasyon at hostage taking kung saan saka lamang ng mga ito pinakawalan ang dalawang prison guards nang ma i-deliver na ang pizza na hinihingi nila.

Hindi naman nasaktan ang mga guwardiya habang naibalik sakanilang selda ang dalawang hostage takers na nais lang palang kumain ng pizza.### JUMEL DELA ROSA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *