Hotels at accommodation sa Caramoan, punuan na

NAGA CITY – Kagaya ng dati, inaasahan na ng Municipal Tourism Office Caramoan, Camarines Sur ang dagsa ng mga turista sa bayan lalo na ngayong Long Holiday Weekend ng Semana Santa.

Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni Katherine Herrero, Tourism Officer.

Aniya, ngayon pa lang marami nang mga turista at bakasyunistang pumupunta sa kanila. Puno din ng mga Hotels at Accommodations na mga Department of Tourism o DOT Accredited, marami rin ang pumupunta sa mga dinarayong mga simbahan at mga isla.

Kaugnay naman nito epektibo at ipinapatupad na rin sa bayan ang Pila-Pila System sa mga Motorboat Operators, kung saan kailangan na nilang pumila para sa kanilang mga pasaherong mga turista nang sa gayon ay wala ng agawan ng pasahero.

Tuloy naman ang pagiging handa ng bayan at pag-uusap hinggil sa mga gaganaping mga aktibidad.

Muli, nagpa-alala ang opisyal sa mga turista o bakasyunista na magbook lamang sa mga DOT Accredited na mga hotels at accommodations pati mga lisensyadong mga tour guide at motorboat operators.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *