House Appropriations Committee, kinumpirmang may 10 agencies na binawasan ng confidential at intel funds

Natukoy na ng House Appropriations Committee ang sampung mga government agencies na in-adjust, ‘o ‘di kaya’y tuluyan nang tinangalan ng confidential and intelligence funds (CIF).

Ito ang sinabi ng senior vice chair ng panel na si Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo – isang araw matapos ang pagtatanggal sa mga CIF ng mga ahensyang wala namang kinalaman sa national security.

Ayon kay Quimbo – ang sampung mga ahensyang tinapyasan ng CIF ay bahagi ng kanilang pag-aaral para ‘chop-chop-in’ ang pondo ng bawat ahensya.

Aniya, maliban sa paglilipat sa mga security agencies – posible rin daw idagdag sa mga mahahalagang programa ang naturang tinapyas na pondo.

Sa kabila nito, ‘di pa direktang tinukoy ng Kongresista kung anu-anong agencies ito.

Maaalalang una nang nakumpirma ang pagtatanggal sa hiling na P500Million CIF ng Office of the Vice President (OVP) at P150Million sa Department of Education.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *