House, aprubado na ang Bayanihan 3 sa final reading

Aprubado na ng House of Representatives sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang Bayanihan 3 stimulus package, na humihiling ng P401 billion na halaga ng interventions para matulungan ang mga Pilipino na makarekober mula sa COVID-19 pandemic.

Sa botong 238-0-1, inaprubahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill 9411 o ang Bayanihan to Arise As One Act.

Ang naturang panukala ay naglalayung magbigay ng financial assistance na P2,000 para sa lahat ng Pilipino, anuman ang kanilang kalagayan sa buhay, sa loob ng dalawang tranches.

Dahil dito, nasa P216 billion ang ilalaan para sa cash assistance na ibibigay sa lahat ng 108 million Filipinos, habang may P54.6-B na ilalaan para sa pension at gratuity fund para sa militar at uniformed personnel.

Maliban dito, P20 billion ang inilaan sa ilalim ng Small Business Wage Subsidy (SBWS) program para tulungan ang Micro, Small, and Medium Enterprises na apektado ng health crisis, at P25 billion naman para sa displaced o disadvantaged workers. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *