Panukalang batas sa paghabol vs illegal recruiters, aprub na sa Kamara

Inaparubahan na kahapon ng Kamara ang panukalang batas na magpapabilis sa paghabol sa mga indibidwal na sangkot sa illegal recruitment.

Nasa 260 na mambabatas ang bumoto pabor para pagtibayin ang House Bill  7718.

Sa panukala, mula sa dating tatlong indibidwal ay ibaba na lamang sa dalawang indibidwal na non-licensees o non-holders ng appropriate authority ang batayan upang maituring na illegal recruitment by a syndicate ang isang krimen.

Naniniwala si Kabayan Partylist Rep. Ron Salo na siya rin chairman ng House overseas workers committee, na ang pag-amyenda sa RA 8042 o the Migrant Workers Act ay “one step closer”  upang mas maprotektahan ang ating mga overseas Filipino workers mula sa mga illegal recruitment activities.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *