House, aprubado na sa ikalawang pagbasa ang ‘Eddie Garcia bill’

Lusot na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang panukala na naglalayong mabigyan ng proteksyon ang kapakanan ng mga manggagawa sa film, television at radio entertainment industry.

Ang panukala na may titulong kapangalan ng beteranong aktor na si Eddie Garcia na pumanaw noong 2019 matapos magtamo ng neck injury habang nagsho-shoot para sa television series o ang House Bill 1270, ay naglalayung mabigyan ang mga manggagawa ng opurtunidad para sa gainful employment at desenteng income, at protektahan sila mula sa pang-aabuso, harassment, hazardous working conditions at economic exploitation.

Batay sa author ng panukala na si Camarines Sur Rep. Luis Raymund Villafuerte, na ang productions ay umaabot ng 16 hanggang 42 tuloy-tuloy na oras bawat set, batay sa datos mula sa Directors Guild of the Philippines.

Sa gitna nito, nakasaad sa HB 1270 na ikokonsidera ang overtime work, pero hindi dapat lalampas ng 12 oras sa loob ng 24-hour period. Layunin din ng panukala na makapagbigay ng proper compensation at facilities, gaya ng transpotasyon at accommodation para sa mga talents at workers sa location shoots, maging ang social service benefits.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *