House bicam nangakong ibabalik ang pondo ng NTF-ELCAC para sa susunod na taon

Nais ng House of Representatives na ibalik ang pondo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC sa 2023 national budget na nakabinbin ngayon sa bicameral conference committee.

Ang budget ng NTF-ELCAC ay binawasan ng Senado at House of Representatives sa kani-kanilang bersyon ng budget para sa susunod na taon.

Sa isang pahayag, sinabi ni Appropriations committee chair Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co na ang House panel ay makikipagtulungan sa kanilang Senate counterpart para ibalik ang nabawasang budget ng ahensya sa utos nina House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at Deputy Senior Majority Leader Ferdinand Alexander “Sandro ” Marcos.

Sinabi ng mambabatas na kinikilala ng Kongreso ang mahalagang papel na ginagampanan ng NTF-ELCAC upang makatulong na mawakasan ang ilang dekada nang insurhensiya sa bansa, kaya kukumbinsihin umano nito ang Senado na ibalik ang panukalang budget ng ahensiya.

Kasabay nito, nanawagan si Co sa NTF-ELCAC na mabilis na subaybayan ang mga proyekto s ailalim ng arangay Development Program at makipagtulungan sa mga ahensya tulad ng Department of Public Works and Highways.

Noong Oktubre, sinabi ni Appropriations Senior Vice Chair Stella Quimbo na ibinalik ng Kamara ang humigit-kumulang P5 bilyon mula sa budget ng NTF-ELCAC para sa 2023.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *