House bill para gawing syudad ang bayan ng Mexico, inihain sa kongreso

Inihain ni Pampanga 3rd district congressman Aurelio “dong” Gonzales ang house bill no. 1683, na may titulong converting the municipality of Mexico in the Province of Pampanga into a component city to be known as the city of Mexico.

Nakasaad sa naturang house bill na nasa tamang panahon na para maging component city ang naturang bayan.

Sa ilalim kasi ng Local Government code of 1991 partikular ang sec 450, nakasaad na maaaring maconvert bilang component city ang isang bayan kung meron na itong locally generated average annual income na 100 million pesos sa loob ng dalawang magkasunod na taon.

Batay sa kita ng munisipyo mula sa Bureau of Local Government Finance ng Dept of Finance, kumita ang Mexico ng 105 million 518 thousand taong 2018, at 193 million 427 thousand 992 nitong 2021.

Maliban dito, na-meet na rin ng naturang bayan ang lahat ng mga kinakailangang requirements para maging component city.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *