House blocs, tiniyak na hindi kakalas sa supermajority

Tiniyak ng Nacionalista Party at ang PDP-Laban na hindi sila kakalas sa supermajority sa Kamara.

Sa isang pahayag sinabi ni  Nacionalista Party spokesperson at House Deputy Speaker Camille Villar, na nananatili ang suporta ng kanilang partido kina Speaker Martin Romualdez at Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Bukod sa pagpahayag ng suporta kina Romualdez at Marcos, binati rin ng NP stalwart at Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers si Pampanga Rep. Aurelio Gonzales sa kanyang pagkakahalal bilang Senior Deputy Speaker na pumalit kay dating Presidente at incumbent Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo.

Ayon naman kay PDP-Laban president at Palawan Rep. Jose Alvarez , nananatili ang kanilang partido sa koalisyon na binuo ni Romualdez sa Kamara.

Naniniwala rin ang PDP-Laban sa pamumuno ni Romualdez na makakapagdala ng reporma upang mapaunlad ang bansa.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *