National

House, inaprubahan ang health stockpiling bill sa 2nd reading

Inaprubahan ng House of Representatives sa 2nd reading ang House Bill 9456 o ang proposed Health Procurement and Stockpiling Act.

Ito ay matapos isalang ang panukala sa botohang ayes at nays sa plenary session kagabi.

Ipinaliwanag ni House Committee on Health Chair, Quezon 4th District Representative Angelina “Helen” Tan, M.D. na naisulong ang kanyang stockpiling bill sa panahon na nakaranas ang bansa ng shortage sa medical supplies, at iba pang mahahalagang materyales na magagamit laban sa COVID-19 pandemic.

Anya, kabilang sa mga supplies na kanyang tinutukoy ay ang masks, alcohol, personal protective equipment (PPEs), mechanical ventilators, at RT-PCR test kits at machines.

Sinabi ni Tan na tinutukoy sa panukala ang stockpiling bilang inventory ng health commodites at materials, o physical reserve nito na naka-imbak sa government warehouses o government-owned properties na magagamit sa mga panahon ng emergencies.

Dagdag ni Tan, para ma-operationalize ang naturang polisiya, ay isinusulong ng panukala ang pagbuo ng Health Procurement and Stockpiling Bureau, sa ilalim ng Department of Health.

Ipinunto rin ni Tan na isinusulong nito ang pagbuo ng Medical Stockpiling Fund na susuporta sa National Drug and Device Program na pangungunahan ng DOH para mapanatili at matiyak ang steady na suplay ng critical drugs, vaccines at devices.

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

14 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

14 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

14 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

14 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

15 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

15 hours ago