House, inaprubahan sa 2nd reading ang panukalang ibaba ang retirement age sa 56

Aprubado na sa ikalawang pagbasa sa House of Representatives ang panukalang ibaba ang retirement age ng mga government employees sa 56 taong gulang mula sa kasalukuyang 60 taong gulang.

Inaprubahan sa pamamagitan ng simpleng voice vote sa sesyon ng plenaryo kahapon ang  House Bill No.206. Kung maisasabatas, babaguhin ng panukala ang Government Service Insurance System Act of 1997 na kilala rin bilang Republic Act No.8291.

Ayon sa panukala, ang mga manggagawa ng gobyerno na nakapagbigay ng hindi bababa sa 15 taon sa serbisyo at hindi bababa sa 56 taong gulang ay kwalipikadong mag-avail ng optional retirement.

Layunin ng panukala na ma-enjoy ng mas maaga ng mga retiradong empleyado ang kanilang buhay kasama ang pamilya.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *