Breaking News

House inquiry kaugnay sa PPE procurement mas maayos kesa sa senado – PRRD

Mas maayos ang ginagawang House Inquiry kesa sa Senate Blue Ribbon hearing kaugnay sa pagbili ng Personal Protective Equipment ng gobyerno sa kumpanyang Pharmally ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang talk to the people address ngayong umaga, sinabi ni Pangulong Duterte na sa imbestigasyon ng kamara ay pinapayagan ang mga resource person na magsalita at ipaliwanag ang panig kaugnay sa kinukwestiyon na transaksiyon.

Hindi umano katulad ng blue ribbon hearing na pinamumunuan ni Sen. Richard Gordon na pinuputol ang paliwanag ng mga resource person kapag hindi pabor sa mga ito ang mga testimonya.

Iginiit pa ni Pangulong Duterte na mismong ang Commission on Audit na ang nagsabing walang overpricing at walang ghost delivery subalit taliwas pa rin ito sa teyoryang gustong palutangin ng mga senador.

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

22 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

22 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

22 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

22 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

22 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

23 hours ago