House, ipaprayuridad ang pagpasa sa pro-digitalization measures sa pagbabalik ng sesyon

Nangako si House Speaker Martin Romualdez na mamadaliin ang pagpasa sa pro-digitalization measures na binigyang diin ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos sa World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland.

Ayon kay Romualdez, nananatiling committed ang House of Representatives na ipasa ang priority legislations ni President Marcos, kabilang na ang mga panukala para sa digitalization sa parehong government at private transactions na magpapalakas sa efficiency, productivity, at security.

Dagdag ng House Speaker, na ang establishment ng framework para sa digital transformation ay makakatulong umano na ma-enhance ang prospect  ng Pilipinas bilang investment hub na matagumpay umanong naitayo ng pangulo sa Davos. 

Ang E-Government at E-Governance Act, ay kabilang sa mga prayuridad na binanggit ng punong ehekutibo sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA) noong July 2022, na ngayon ay pending sa House committee level.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *