House & Lot, pangkabuhayan showcase ipapa-raffle sa mga magpapabakuna kontra COVID-19

May tiyansang manalo ng House and Lot at pangkabuhayan showcase ang mga residenteng magpapabakuna kontra COVID-19 sa Las Piñas City.

Ito ang inihayag ni Las Piñas Rep. Camille Villar upang mahikayat ang mga tao na magpaturok ng COVID-19 vaccines.

Sinabi ng mambabatas na maliban sa libreng bahay, nasa 10 pangkabuhayan showcase kada buwan ang ira-raffle sa lahat ng nagpaturok na.

Habang ang grand prize ay ibibigay sa Disyembre kasama ang dalawang motorsiklo bilang consolation prize.

Nilinaw naman ng kongresista na walang public funds na gagamitin sa naturang pa-raffle.

Magugunitang mismong si vaccine czar Sec. Carlito Galvez ang nagsabi na marami pa rin sa mga Pilipino ang nagdadalawang isip na magpaturok ng bakuna dahil sa posibleng epekto nito sa katawan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *