House, nag donate ng karagdagang P10M humanitarian aid para sa mga biktima ng lindol sa Turkey

Nag-donate ng karagdagang P10M humanitarian aid ang House of Representatives sa pamamagitan ng Philippine Red Cross para sa libu-libong biktima ng lindol sa Turkey.

Ang PRC ay tumutulong din sa pagtugon sa sakuna.

Itinurnover ni House Speaker Martin Romualdez ang tseke para rito kay PRC Chairperson Richard Gordon.

Ito ang pangalawang pagkakataon na nag-donate ng pera ang House leadership sa mga biktima ng lindol sa Turkey.

Una nang nagbigay ang Kamara sa pamamagitan ng Speaker’s Disaster Relief and Rehabilitation Initiative, ng $100,000 o P5.5 million na tinanggap ni Turkish Ambassador to the Philippines Niyazi Evren Akyol.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *