House of Representatives, titingnan ang 100-percent face-to-face SONA ni Marcos

Titingnan ng House of Representatives ang 100-percent face-to-face State of the Nation Address (SONA) ni incoming President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr.

Ayon kay House Secretary General Mark Llandro Mendoza, bukod dito, ay gumawa na din sila ng hybrid plan na nakadepende umano sa sitwasyon ng Covid-19 sa bansa at kay Marcos.

Nakatakdang gawin ang unang SONA ng susunod na pangulo sa ika-4 ng Hulyo ngayong taon kung saan tatalakayin ang legislative priorities ng bagong administrasyon.

Samantala, sinabi ni Mendoza na tinatapos na nila ang renovation at pagrepair ng House of Representatives at pa-iigtingin din umsno ang seguridad dito. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *