House panel, aprub na ang bill sa early poll voting para sa mga seniors, PWDs

Aprubado na ng House committee on appropriations ang panukala na nagpapahintulot sa maagang pagboto para sa mga kwalipikadong senior citizens at persons with disabilities (PWDs) sa national at local elections.

Ayon kay Nueva Ecija 1st District Rep. Estrelita Suansing, isa sa mga principal authors ng panukala, na pinahihintulutan sa ilalim nito ang mga qualified senior citizens at PWDs na makaboto sa loob ng pitong working days, bago ang mismong araw ng halalan.

Paliwanag ni Suasing, may disadvantage ang sitwasyon ng naturang grupo sa panahon ng halalan dahil, una- hindi lahat ng polling places ay easily accessible para sa naturang grupo, at pangalawa napupuno ng malaking bilang ng mga tao ang voting places.

Tanong naman ni Nueva Ecija 3rd District Rep. Ria Vergera, papaanu kung ang may valid PWD identification, dahil sa temporary injury ay gumaling na sa panahon ng early voting.

Dahil dito, nababahala si Vergara, na posibleng maabuso ang naturang panukala, dahil maari umano itong magamit bilang paraan para magparehistro para maka-avail ng mga benepisyo at serbisyo para sa naturang sektor.  // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *