House panel, aprubado na ang con-con bilang paraan sa pag-amyenda sa Konstitusyon

Inaprubahan na ng House constitutional amendments panel ang unnumbered Resolution of Both Houses na nananawagan para sa constitutional convention (con-con) para sa pag-amyenda sa 1987 Constitution.

Ito’y matapos makakuha ang naturang unnumbered Resolution of Both Houses ng 16 yes votes, tatlong no votes at isang abstention.

Sa ilalim ng 1987 Constitution, isa sa mga panukala na aamyendahan na Charter ay sa pamamagitan ng con-con, isang scheme kung saan ang mga delegado mula sa bawat distrito na ihahalal ng publiko ay itatalaga sa con-con na siyang magda-draft para sa bagong Charter.

Sa kabila nito, hindi pa tinukoy ng House constitutional amendments panel, kung aling specifics ng Konstitusyon ang aamyendahan.

Bukas, nakatakdang magsagawa ang panel ng isa pang committee hearing para ifinalize ang naturang usapin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *