Inaprubahan ng House Committee on Appropriations ang budget provision ng panukalang e-governance law.
Layon ng panukala na gawing moderno ang sitema sa gobyerno gamit ang ‘digitalization’.
Ayon kay House Committee on Appropriations chaired by Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co, nakapaloob sa panukala ang pagtatatag ng Philippine Infostructure Management Corporation na siyang tututok sa mga pagbabagong kailangang gawin sa gobyerno upang mapahusay ang paghahatid ng serbisyo sa publiko.
Nauna nang inaprubahan ng House Committee on Information and Communication na pinamumunuan ni Navotas Rep. Toby Tiangco ang substitute bill ng panukala. Ito ay ipinadala sa Committee on Appropriations para sa pag-apruba ng budget provision ng panukala.
Ang panukala ay isa sa prayoridad na maisabatas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.