House panel, inaprubahan na ang panukalang magtitiyak sa karapatan at kapakanan ng mga Filipino seaferers

Lusot na sa House Committee on Overseas Workers Affairs ang panukalang Magna Carta of Filipino Seafarers.

Layunin ng panukala na siguraduhing protektado ang mga manlalayag na Pilipino sa pamamagitan ng maayos na work conditions, patas na terms of employment at sapat na career opportunities.

Sakop ito ang mga Filipino seaferers na nagtatrabahosa foreign-registered ships at Philippine-registered ships na nago-operate internationally.

Ang panukalang batas ay mag-uutos din sa Department of Migrant Workers at Maritime Industry Authority na tiyaking nakarehistro ang lahat ng mga marino sa Pilipinas.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *