House panel may desisyon na kaugnay ng pagkabigo ni Teves na bumalik sa bansa

Nagdesisyon na ang House committee on ethics and privileges kaugnay ng pagkabigo ni Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves na bumalik sa bansa kahit na expired na ang ibigay na travel authority sa kanya ng Kamara.

Sinabi ng committee chair at COOP-NATCCO Rep. Felimon Espares sa isang briefing , na ang ulat ay ipapasa sa Committee on rules at pag-uusapan ng plenaryo.

Sinabi ni Espares na ang desisyon ng  panel na huwag ihayag ang desisyon ay naaayon sa mga patakaran ng komite.

Ayon sa mambabatas, binigyan nila ng sapat na panahon si Teves para mag-ulat sa Kamara  na binanggit na hindi lamang ang panel kundi si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang humihimok sa kanya na umuwi.

Ayon sa rules, maaaring i-censure o i-reprimand ang isang kongresista sa pamamagitan ng boto ng mayorya ng mga miyembro. Kung ang parusa ay suspensyon o pagsibak ang kailangang boto ay two-thirds (2/3) ng mga miyembro. Ang suspensyon ay hindi maaaring lumagpas ng 60 araw.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *