National

House panel, pormal nang sisimulan ang deliberasyon sa isinusulong na Cha-cha

Sisimulan na ngayong araw ng House Committee on Constitutional Amendments ang kanilang pormal na deliberasyon kaugnay sa panukalang batas para sa Charter Change (Cha-cha) sa kasalukuyang 19th Congress.

Partikular na tatalakayin ng Committee on Constitutional Amendments na pinamumunuan ni Cagayan de Oro City 2nd district Rep. Rufus Rodriguez, ang House Bill (HB) No.6698, o ang proposal na i-constitute ang constitutional convention para amyendahan ang 1987 Philippine Constitution, na inihain ni Manila 6th district Rep. Bienvenido Abante Jr.

Kaugnay nito, nakatakda ring talakayin ang petisyon para sa indirect initiative alinsunod sa Sections 3(B) at 11 ng RA 6735, o kilala bilang Initiative and Referendum Act, para ipasa ng Kongreso ang ‘An Act calling for a constitutional convention’, providing for proportional representation therein and other details relating to the election of delegates to and the holding of the constitutional convention” na inihain naman ng Kapatiran Party (Alliance for the Common Good).

Sa ilalim ng constitutional convention o con-con, nanawagan ito para sa paghalal ng isang delegado mula sa bawat legislative district sa bansa, na silang aatasan na bumuo ng mga posibleng revisions sa 1987 Charter.

BNFM Makati

Recent Posts

Boy Scouts of America, babaguhin na ang pangalan matapos ang mahigit isang daang taon

Matapos ang 114 na taon, babaguhin na ng Boy Scouts of America ang pangalan nito…

51 mins ago

39-anyos na lalaki, arestado dahil sa panggagahasa sa kaniyang anak

Inaresto ng  National Bureau of Investigation's (NBI) Violence Against Women and Children Division ang isang…

1 hour ago

1, 450 slots inilaan sa Camarines Norte para sa August 2024 Career service examinations

CAMARINES NORTE - Aabot sa 1, 450 slots ang inilaan ng Civil Service Commission para…

1 hour ago

SSS muling maghahain ng notice of violation sa ilang employer sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE - Ipagpapatuloy ng Social Security System ang paghahabol sa mga delinquent employer sa…

1 hour ago

Isang lalake sa Amerika tumawag sa 911 para magpabati ng Happy Birthday

Kakaibang 911 emergency call ang ginawa ng isang lalake sa Boston sa Amerika. Tumawag lang…

1 hour ago

Ilang islang Barangay ng Camarines Norte tinungo ng PSA para sa PhilSys registration

Tinungo ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang ilang islang Barangay sa Camarines Norte para sa…

1 hour ago