House panel, tatalakayin sa Martes ang magiging kapalaran ni Teves

Magpupulong ang House of Representatives Committee on Ethics and Privileges sa Martes para talakayin ang magiging kapalaran ni suspended Cong. Arnolfo Teves Jr. dahil sa hindi pa rin pag-uwi sa Pilipinas.

BukasĀ  nakatakdang magtapos ang 60-araw na suspensiyon ni Teves.

Ayon kay  Ako Bicol party-list at Rep. Raul Angelo Bongalon na siyang vice chaiman ng komite, kabilang sa kanilang titimbangin sa magiging rekomendasyon ng komite ay ang paghingi ng application for asylum ni Teves sa Timor-Leste.

Sinabi ni Bongalon, na base sa rules sa Kamara, dalawa na lamang ang maaaring kasapitan ni Teves. Isa na aniya rito ay ang tuluyang pagpapatalsik sa kanya bilang miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Samantala, hihilingin ng kampo ni Teves sa House panel na payagan siyang humarap sa pagdinig sa pamamagitan ng videoconference.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *