House, sinimulan na ang plenary deliberations sa panukalang Cha-cha

Sinimulan na ng House of Representatives ang plenary deliberations sa resolusyon na  naglalayong magpatawag ng  Constitutional Convention (Con-Con) na siyang gagawa ng pagbabago sa 1987 Constitution.

Binigyang-diin ni Cagayan de Oro City 2nd district Rep. Rufus Rodriguez na sponsor ng Resolution of Both Houses (RBH) No.6 sa plenary session kahapon ang kahalagahan na mabisita at mabago ang Konstitusyon upang maging globally competitive ang Pilipinas.

Si Rodriguez na namumuno sa House Committee on Constitutional Amendments, ay nagsagawa ng hindi bababa sa pitong public consultations-slash-hearings sa iba’t ibang panukalang Charter change (Cha-cha) na inihain sa kasalukuyang 19th Congress.

Ang unang pagdinig ay ginanap noong kalagitnaan ng Disyembre, o mahigit dalawang buwan na ang nakalipas.

Hiwalay na magbobotohan ang Senado at Kamara sa pag-apruba ng RBH 6. Upang maaprubahan ay kakailangan na paboran ito ng two-thirds ng kabuuang bilang ng mga miyembro ng Senado at Kamara.

Kung maaaprubahan, ang paghahal at pagtatalaga ng mga magiging delegado sa Con-Con ay gagawin sa October 30, 2023 kasabay ng Barangay and Sangguniang Kabataan Elections.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *