House subpanel, nais ipagpatuloy ang operasyon sa Kamara sa pamamagitan ng hybrid setup

Napagdesisyonan ng subpanel sa House of Representatives na ituloy ang hybrid system sa mga sesyon at pagdinig.

Ayon kay House Minority Leader Marcelino Libanan, may rekomendasyon na sila sa subcommittee level ngunit aaprubahan pa umano ito ng committee on rules at ng plenaryo.

Dagdag pa niya, nais ituloy ng panel ang hybrid system sa kabila ng ginawang move ng Makabayan bloc na ibalik ang full face-to-face meetings.

Sa ngayon, nilinaw ni Libanan na nasa hybrid system pa rin ang Kamara, lalo pa’t nakikita nila na may surge na naman sa COVID-19.

Kung maaalala, nag-switch sa hybrid session at meeting ang Kamara nang magsimula ang COVID-19 pandemic noong 2020, alinsunod sa kautusang social distancing. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *