House tax panel, ikinokonsidea ang mas mataas na buwis sa luxury at non-essential goods

Posibleng patawan ng mas mataas na buwis ang luxury at non-essential goods na isang hakbang sa ilalim ng pag-aaral ng Kamara, sa gitna ng panawagan na magpatupad ng levies sa kayamanan.

Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda, chairman ng Ways and Means Committee, na partikular na pinag-aaralan nila ang pagbubuwis sa wristwatches, bags, at iba pang leather items na mataas sa P50,000 ang halaga, private jets, luxury cars na higit P5 million, pagbebenta ng residential properties na above P100 million, beverages na higit P20,000 per bottle, traded paintings na higit P100,000, at iba pang items.

Mababatid na ang non-essential good na ipinapataw sa jewelry, perfumes, at yachts at iba pang vessels na para sa pleasure o sports ay kasalukuyang binubuwisan ng 20%.

Dahil dito, ang mungkahi umano ng komite ay expansion lang ng batas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *