House to house anti-rabies vaccination ng PVet So.Cot, nagpapatuloy

KORONADAL CITY- MAHIGIT sa 31,000 na mga aso at pusa na ang nababakunahan ng Provincial Veterinary Office o PVet South Cotabato sa iba’t ibang mga munisipyo sa lalawigan.

Ayon kay provincial veterinary officer Dr. Flora Bigot na ito ay sa pamamagitan ng kanilang isinasagawang house to house anti-rabies vaccination.

Ngunit sa kabila nito, inihayag ni Bigot na may mga aso at pusa pa rin na nagpopositibo sa rabies dahil may mga sitio at barangay pa na hindi napapasok ng vaccination team dahil na rin sa mga restrictions bunsod ng COVID 19 pandemic.

Kasama ng PVet sa anti-rabies vaccination ang mga municipal agricultures office at mga Barangay Animal Health Workers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *