House-to-house MR-OP vaccination, isasagawa sa bayan ng Tiwi, Albay

LEGAZPI CITY – Isasagawa ngayong araw sa bayan ng Tiwi, Albay ang Measles, Rubella, Oral Polio Vaccine Suplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA).

Ito na umano ang bago sa estratehiya ng mga healthcare workers upang tiyak na ang mga bata ay mababakunahan.

Babalikan pa rin ng RHU ng nasabing bayan ang mga barangay na may hindi pa nababakunahan kahit tapos na ito sa kanilang schedule.

Mayroon pa kasi umanong mga bata na hindi pa nababakunahan, dahil wala sila noong araw na isinagawa ang nsabing aktibidida, kung saan ang iba sa kanila ay nasa bakasyon.

Target rin ng lokal na pamahalaan na bakunahan ang mga batang may edad 0-59 months ng oral polio vaccine at ang mga 9-59 months para sa measles-rubella vaccine at ang magbibigay naman ng Vitamin A sa mga batang may edad 5 taon pababa.

Hinihikayat naman ang mga barangay official, health workers, volunteer at mga magulang na makiisa at tulungan ang Department of Health (DOH) sa nasabing kampanya upang matuldukan ang paglaganap ng sakit.

Tiniyak ng RHU, walang dapat ibahala ang mga magulang dahil ligtas at garantisado ang mga bakuna.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *