House to house na pagbabakuna ng oral polio at measles vaccine, isasagawa ng CHO

Nakatakdang suyurin ngayong buwan ng Mayo ng City Health Office (CHO) ang lahat ng kabahayan sa lungsod para sa pagbabakuna ng Oral Polio at Measles sa mga bata edad 0-59 months old.

Sa panayam ng Brigada News sa CHO Health Education Program Officer na si Sofia Dematera, sinabi nito na layon ng aktibidad na maturukan ng nasabing mga bakuna ang lahat ng mga batang nasa ilalim ng naturang age bracket, hakbang din upang tuluyan nang matuldukan ang nasabing mga sakit.

Aniya, ang pagbibigay kasi ng mga bakuna sa Oral Polio at Measles ay pansamantalang natigil sa panahon ng pandemya dahil sa mga restriksyon tulad ng pagbabawal sa mga pagtitipon gayundin ang paglabas partikular na ng mga bata.

Mababatid na ang nasabing gap sa pagbibigay ng nasabing mga bakuna ang nakikitang dahilan ng mga health workers ng muling pagkakaroon ng kaso ng polio sa bansa matapos ang halos dalawang dekada.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *