House-to-house na paglilimos ng mga Badjao sa Iriga city, natigil na

NAGA CITY – Natigil na ang house-to-house na paglilimos ng mga Badjao sa Iriga City ngunit hindi pa rin maiiwasang may ilan pa sa kanila ang malayang nakakapaglibot-libot sa lungsod lalo na kung may mga pagdiriwang.

Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni City Vice Mayor, Edsel Dimaiwat.

Istrikto ring minomonitor ng Pamahalaan ang child labor and abuse sa lungsod o mga batang maagang pinapatrabaho, nag-iikot upang magtinda, karamihan pa ay mga batang mula sa tribo sa lungsod kung saan hinahatid mismo sa tirahan at patuloy na pinapayuhan lalo na ang mga magulang.

Patuloy din naman na gumagawa ng mga hakbang ang LGU upang makontrol ang problema sa mga bata lalo na ang child labor at pamamalimos ng mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *