House-to-house vaccination kontra Covid-19, umarangkada na rin sa Angeles City, Pampanga

Umarangkada na rin sa Angeles City ang house-to-house vaccination kontra Covid-19.

Ayon kay City Mayor Carmelo “Pog” Lazatin, layunin nitong matiyak na mabibigyang bakuna ang mga bed ridden sa lungsod.

Ang pagbabakuna ay pinangasiwaan ng Rafael Lazatin Memorial Medical Center katuwang ang City Health Office.

Samantala, target ng City Government na mabakunahan ang mga nasa 660 na bed ridden sa lungsod na may edad 80 hanggang 99 years old.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *