House to House vaccination sa mga Senior Citizens at PWD sa bayan ng Garchitorena, iminungkahi ng mismong alkalde

NAGA CITY—Personal na iminungkahi ng Alkalde ng Garchitorena, Camarines Sur na gawin na lamang house to house ang vaccination para sa mga Senior Citizens at Persons With Disability partikular ang mga nasa malalayong Barangay na hindi kayang pumunta sa kanilang vaccination site.

Ito ang nakikitang paraan ni Mayor Nelson Bueza upang bigyang ginhawa sa pagpapabakuna ang mga PWD at mga matatanda na hindi na kayang maglakad o bumiyahe ng matagal o malayo para lang makapaturok ng Anti COVID-19 vaccine.

Ani Bueza, hindi ito utos kundi isang rekomendasyon lamang kung saan ang may huling desisyon parin naman daw tungkol dito ay mga nasa Rural Health Unit at IMT sa Garchitorena dahil sila aniya ang mas nakakaalam kung makakabuti at kakayanin ba ang vaccination sa mga Senior at PWD na malalayo ang tirahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *