Housewife na walang travel history nagpositibo sa COVID- 19 sa Capalonga

CAPALONGA, CAMARINES NORTE- Isang araw matapos na maiulat ang pagkakarekober ng labing anim na COVID- 19 positive sa bayan ng Capalonga, Camarines Norte, isa na naman ang iniulat na nagpositibo mula sa naturang bayan.

Batay sa opisyal na pahayag ng Lokal na Pamahalaan ang bagong kaso ng COVID- 19 sa naturang bayan ay isang 42 anyos na babae, housewife mula sa Brgy. Itok.

Nagsimulang makaramdam ng sintomas ang pasyente noong May 9, 2021 at ito ay walang travel history.

Nakalabas na ng ospital ang pasyente at kasalukuyang naka- quarantine sa Municipal Isolation Unit.

Umapela naman ang LGU sa lahat ng mga mamamayan ng Capalonga na gawin at sundin ang ipinatutupad na Minimum Health Protocols para maiwasan ang pagtaas ng kaso ng sakit.

Ipinapaalala ang pagsusuot ng face mask at face shield, palagiang paghuhugas ng kamay, social distancing at pag alam sa mga tamang impormasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *