Housing project sa Tupi, pansamantalang gagamitin bilang isolation facility

KORONADAL CITY- GAGAMITIN bilang temporary isolation facility para sa mga COVID 19 patients ang bagong housing project sa bayan ng Tupi.

Sa kanyang weekly radio program, inihayag ni Governor Reynaldo Tamayo Jr na napagkasunduan na nila ni Tupi Mayor Romeo Tamayo na pansamantalang i-convert bilang isolation facility ang 100 housing units na bahagi ng Phase II ng Bagong Buhay resettlement project sa Barangay Bunao na hindi pa natuturn-over sa mga informal settlers.

Dito maaaring ilagay ang mga pasyenteng positibo sa COVID 19 mula sa lungsod ng Koronadal at iba pang munisipyo sa South Cotabato.

Napag-alaman na patuloy ang expansion ng lalawigan ng mga COVID 19 treatment and isolation facilities lalo’t tumataas ang kaso ng mga infected ng virus sa probinsya kada araw.

Sa tala ng DOH 12 noong Mayo 17, ang active cases sa probinsya ay umakyat na sa 541, matapos nadagdagan ng 42 mga bagong kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *