CAMARINES NORTE – “Hindi kami kaaway,”!
Ito ang iginiit ng Philippine National Police Highway Patrol Group na araw- araw ay visible sa kalsada para magsagawa ng oplan sita.
Mas pinaigting pa ito ngayon dahil sa pag obserba ng Road Safety Month Celebration.
Kahapon isang lalake ang bumangga sa signage sa tabi ng Maharlika Highway sa Barangay Pamorangon dahil umano sa pagnanais na makaiwas sa huli.
Mabuti na lamang at mayroon itong suot na helmet pero nagtamo pa rin ng gasgas sa katawan.
Paalala ng HPG na kung may violation ay huwag iwasan ang ticket.
Mas importante pa rin umano ang buhay na posibleng malagay sa alanganin dahil lang sa pag iwas sa enforcer.
Sa huli naisyuhan ng Traffic Citations Ticket ang lalaki dahil sa paglabag sa traffic laws.
