CAMARINES NORTE- Nag- ikot ang mga tauhan ng Philippine National Police Highway Patrol Group sa ilang terminal dito sa bayan ng Daet upang tiyakin ang kaligtasan ng mga pasahero sa mga pampublikong sasakyan.
Kabilang sa mga tinungo ng HPG ay ang terminal sa barangay Camambugan at Gahonon gayundin ang pila ng mga tricycle upang ipaalala ang dati na ring kampanya na BLOWBAGETS
Ito ay ang acronym kung saan nakalista ang mga dapat i- check at suriin bago bumiyahe tulad ng Brake, Lights, Oil, Water, Battery, Air, Gas, Engine, Tire, and Self.
Namahagi rin ang mga ito ng mga information materials sa mga driver kunduktor at pasahero na naglalaman ng mga tips para maging ligtas ang biyahe pati na rin sa kriminalidad.
Inaasahang sa mga susunod na araw ay mas magiging madalas pa ang inspeksyon sa mga terminal dahil sa papalapit na pagunita ng semana santa.
Inaasahan kasi ang pagdagsa ng mga biyahero papasok at palabas ng lalawigan dahil ito ang pinakaunang semana santa na wala na halos pinapatupad na COVID- 19 restrictions.
Sa Pebrero 22 ay ash Wednesday na, hudyat ng pagsisimula ng panahon ng kuwaresma at sa unang linggo ng Abril ang Semana Santa.
