CAMARINES NORTE- Pinaalalahanan ng Philippine National Police Highway Patrol Group ang publiko na obligado pa rin ang pagsusuot ng face mask sa loob ng mga pampublikong sasakyan.
Kasunod yan ng mga naitatalang pagtaas na naman muli ng mga kaso ng COVID- 19 hindi lang sa Camarines Norte kundi maging sa ibang lugar.
Mapapansin kasi na wala na halos nagsusuot ng face mask sa loob ng pampublikong transportasyon gayung sa ilalim na kaslaukuyang panuntunan ay mandatory pa rin ito gayundin sa mga clinic at ospital.
Ayon kay PCapt Miguelio Borromeo, Provincial Officer ng HPG Camarines Norte, ipapaalala nila uli sa mga tao na magsuot ng face mask kapag nasa loob ng pampublikong transportasyon dahil nananatili ang banta ng COVID- 19.
Aniya, dapat lagging isaisip ng bawat isa na bagamat wala na halos restrictions at hindi pa rin tapos ang pandemya.
Patunay aniya dito ang mga naitatalang kaso ng sakit sa lalawigan.
