HRW, hinimok ang PH na ibasura ang planong armasan ang mga sibilyan

Nanawagan ang Human Rights Watch (HRW) sa gobyerno na ibasura ang plano nitong armasan ang mga civilian volunteer groups na tutulong sa pagsugpo ng krimen. 

Sa isang statement, sinabi ng HRW na ang nasabing plano ay hahantong lamang sa mas maraming human rights abuses sa Pilipinas. 

Dagdag ng watch group, mayroong mahabang kasaysayan ang bansa ng pag-aarmas sa mga civilian sa militia o iba pang organized groups na responsable sa extrajudicial killings, torture, at iba pang rights violations.

Nagbabala si HRW Asia director Brad Adams na ang pag-aarmas sa mga di trained, at unaccountable militias ay posibleng magdulot ng isa na namang “human rights disaster” sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Giit ni Adams, nakakamangha na sa kabila ng international backlash laban sa mga pang-aabusong konektado sa Duterte administration, gumagawa pa rin ang gobyerno ng mga paraan na magkaroon ng banta sa buhay ng mga ordinaryong Pilipino.

Kasabay nito, hinimok ng director ang mga kaibigan ng Pilipinas sa abroad na tutulan ang plano. 

Mababatid na ginawa ng pangulo ang panawagang armasan ang mga sibilyan matapos na ilunsad ng Philippine National Police (PNP) ang Global Coalition of Lingkod Bayan Advocacy Support Groups and Force Multipliers na binubuo ng mga civilian organization na magsisilbing partner ng pulisya sa community rfelations programs at sa paglaban sa krimen.

Nasa listahan din ang Israel, Laos, Liberia, Malawi, Malta, Marshall Islands, Mauritius, Micronesia, Montserrat, Morocco, Mozambique, New Caledonia, New Zealand, Niger, Nigeria, Northern Mariana Islands, Palau, Rwanda, Saba, Saint Barthelemy, Saint Kitts and Nevis, Saint Pierre and Miquelon, Sierra Leone, Senegal, Singapore, Saint Eustatius, South Korea, Taiwan, Togo, Turks and Caicos Islands (UK), Vietnam, and Zimbabwe.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *