HTAC, may pananagutan sa expired 31M vaccine doses – ex SOH Rep. Garin

Mayroon umanong pagkukulang ang Health Technology Assessment Council (HTAC), ang independent advisory council ng Department of Health (DOH) sa mga naaksayang bakuna laban sa covid-19.

Ito ang pahayag ni House Deputy Majority Leader at Iloilo Representative Janette Garin matapos ang ulat ng DOH nas umabot sa 31 million doses ng covid-19 vaccine sa bansa ang nasayang, katumbas ng P15.6 million.

Ayon kay Garin, kasama sa mandato ng HTAC ang pagbibigay ng pinal na rekomendasyon base sa naging assessment o evidence appraisal ng HTAC subcommittees ukol sa bakuna.

Gayunman, hindi niya aniya ito naisakatuparan ng HTAC dahil nagkaroon ng matagal na desisyon na naging dahilan ng pagka-expire ng bakuna.

Kaugnay nito, sinabi ng mambabatas na inasahan na niya talaga na maraming bakuna ang masasayang.

Ito ay dahil sa maraming bansa na ang nagsisimula ng pagtuturok ng booster shot o ang ikatlong dose ng bakuna habang ang HTAC naman daw ay hindi pa nagdedesisyon kung kailan at kanino ibibigay ang bakuna.

Sa laban sa infectious diseases, iginiit ni Garin na isang vaccinologist, na ang pagbabakuna ay laging epektibo sa harap ng infection, kaya dapat kung may outbreak sa unang kaso pa lang ay samantalahin na ito.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *