Huling batch ng educational assistance sa bayan ng Paracale Camarines Norte, matagumpay na naisagawa.

CAMARINES NORTE- Matagumpay na naisagawa sa Brgy. Tabas Covered Court, sa bayan ng Paracale, Camarines Norte ang pagbibigay ng huling batch ng educational assistance sa mga kabataan nitong maghapon ng biyernes, June 30, 2023.

Ang bilang ng mga benepisyaryo sa naturang barangay ay 268 na mga kabataan na kung saan pinangunahan ito ng 1st district representative ng Camarines Norte. At ang pondong nailaan rito ay mula sa programa ng DSWD na Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

Kamakailan lang ay naganap ang nasabing payout ng educational assistance sa mga kabataan noong June 27, 2023 na tumagal ng apat na araw at ang unang araw nito ay ginanap sa Ginintuang Bulwagan ng naturang bayan at huling araw sa Brgy. Tabas Covered Court na kung saan mahigit 1,072 ang nakatanggap ng nasabing educational assistance.

Nagbigay naman ng suporta sa nasabing payout ng educational assistance ang ilang mga personalidad at DSWD na naging kaagapay ng 1st district representative sa pagbibigay ng serbisyo.

Samantala, nagbigay ng pasasalamat ang mga kabataan ng naturang barangay dahil nabigyan sila ng educational assistance dahil malaking tulong ito sa kanilang mga magulang at sa kanilang pag-aaral.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *