National

Huling SONA ni Duterte, asahan umanong hindi aabot ng 1hr – PTV exec

Asahan na hindi aabot ng isang oras ang huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay People’s Television Network (PTV) General Manager Katherine de Castro, batay sa rehearsals ng punong ehekutibo, ang talumpati ay tumatakbo lang ng 45 minuto.

Dagdag ni De Castro, na batay kay Duterte, kung walang ibang mangyayari ay gusto umano nito na hindi umabot ng isang oras ang kanyang final SONA.

Ngayong araw naman ang last rehearsal ni Duterte para sa SONA, lalo na sa technical rehearsal na mas maraming sequence guide na mangyayari.

Ibinahagi rin ni De Castro na kabilang sa SONA ang 20-minute audio visual documentary sa mga achievements ng pangulo at ang kanyang personal story. // MHEL PACIA-TRINIDAD

BNFM National

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

16 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

16 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

16 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

16 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

16 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

16 hours ago