In-aqcuit ng Pasig Regional Trial Court Branch 157 ang isang tax evasion case laban kay Rappler CEO Maria Ressa.

Ibig-sabihin, lusot at absuwelto na si Ressa sa lahat ng limang tax evasion cases na inihain sa kanya sa ilalim ng Duterte administration.
Sa desisyon ng Korte – aqcuitted na si Ressa at ang Rappler Holdings Corporation (RHC) sa paglabag sa Section 255 ng Tax Code.
Kung maaalala, inihain ang reklamo laban kay Ressa dahil sa ‘di umano’y kabiguan nitong pagfa-file at pagbabayad ng buwis noong 2015.