Human error tinitingnan dahilan ng train crash na ikinasawi ng 43 pasahero sa Greece

Itinuturing na human error ang dahilan ng banggaan ng isang passenger train at freight train na ikinamatay ng 43 na tao sa Greece.

Ito ang kinumpirma ni Prime Minister Kyriakos Mitsotakis matapos ang kanyang pagbisita sa crash site.

Napag-alaman na nasa 350 na pasahero ang sakay ng passenger train nang makabanggaan nito ang freight train sa tunnel matapos lamang ang bayan ng Larissa.

Hindi pa ngayon malinaw kung bakit tinatahak ng dalawang tren ang parehong track. Kaugnay nito, kinumpirma ng Greek Transport Minister na kinasuhan na ng manslaughter ang local stationmaster dahil ito dapat ang may kontrol sa dapat na tahaking track ng mga tren.

Nagpapatuloy naman ang rescue team sa pagbabakasakaling mayroon pang makukuhang mga survivors sa banggaan ng dalawang tren. (LNM)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *