Human rights advocates, pinuri ang hakbang ng ICC na muling imbestigahan ang drug war

Wi-nelcome ng international group na Human Rights Watch ang ginawang hakbang ng International Criminal Court na ipagpatuloy ang imbestigasyon sa madugong kampanya laban sa iligal na droga ng administrasyon.

Sa isang pahayag, sinabi ni HRW senior counsel Maria Elena Vignoli na sa ganitong paraan ay masisigurong magkakaroon ng accountability ang Gobyerno ng Pilipinas sa mga alleged crimes against humanity nito sa pamamagitan ng drug war.

Giit ng HRW official, tila ‘di raw kasi sineseryoso ng Gobyerno ng bansa ang pagbibigay ng mga hustisya sa mga naging biktima ng anti-illegal drug war sa pilipinas.

Hanggang sa ngayon aniya, hindi pa rin napananagot ang dapat managot sa mga insidenteng ito.

Matatandaang inilabas ni ICC prosecutor Karim Khan ang isang resolusyon na layong buksan ang investigation nito matapos masuspinde noong November 2021.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published.