Hiniling na ni Abra Governor Dominic Valera sa mga awtoridad ang mabilis na imbestigasyon at pagresolba sa kaso ng pagpatay kay Atty. Ma. Saniata Liwliwa Gonzales Alzate.

Sa ulat na nakarating sa Kampo Crame, nasa loob ng kanyang sasakyan sa may harapan mismo ng bahay nila ang biktima nang lapitan at pagbabarilin ng dalawang lalaking nakasakay ng isang motorsiklo.
Nangyari ito mag aalas singko ng hapon kahapon sa Bangued, Abra.
Matapos pagbabarilin ang biktima, agad na tumakas ang mga suspek.
Kinondena na rin ng lokal na pamahalaan ang karumal-dumal na krimen.
Samantala, bumuo na ng Special Investigation Task Group ang Abra Police na tututok sa insidente.
Ayon kay PCol Froiland Lopez, Provincial Director ng Abra Police, nagsagawa na sila ng case conference at patuloy ang imbestigasyon sa krimen.
Nire-revirew na rin umano nila ang mga CCTV footage sa crime scene.
Grupo ng International lawyers, kinundena ang krimen
Kinondena ng International Association of Democratic Lawyers ang pagpatay sa biktima.
Sa isang pahayag, sinabi ni IADL transitional president Edre Olalia na anuman ang motibo at kung sino man ang suspek at utak sa krimen ay dapat na agad mapanagot sa batas.
Nitong Huwebes ng hapon , pinagbabaril-patay ng riding in tandem ang abogadong si Maria Saniata Alzate habang nasa loob ng sasakyan na nakaparada sa labas ng kanyang bahay.
Inatasan na ni PNP Chief Benjamin Acorda Jr., ang binuong Special Investigation Task Group ang Abra Police Provincial Office na tutukan ang imbestigasyon para matukoy ang mga salarin at motibo sa likod ng pamamaril.
#