‘Human smuggling’ probe sa bansa, ikakasa ng Senado

Nakatakdang magsagawa ng pagdinig ang Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality sa susunod na linggo para talakayin ang isyu sa umano’y ‘human smuggling’.

Kabilang sa mga nakatakdang talakayin sa Senate hearing ay ang usapin kaugnay sa mga overseas Filipino workers na biktima ng isang large-scale human trafficking operation ng isang Chinese based syndicate sa Myanmar na unang pinalutang ni Senador Risa Hontiveros.

Maliban dito sisilipin din ng mga senador kung may mga kasabwat pa ang isang firm sa loob ng Clark Freeport Zone, kung saan umabot sa 1,048 alleged human trafficking victims mula sa iba’t-ibang Asian nationalities, kabilang ang mga Filipino ang narescue ng mga otoridad nito lamang Mayo.

Ang mga narescue na mga manggagawa ay iniulat na napilitang gumawa ng cyber fraud na kinasasangkutan ng mga cryptocurrencies.

Sa inihaing resolusyon ni Sen. Grace Poe sinabi nitong kailangan matukoy at agad na matigil ang opearasyon ng mga ‘scam hub’ sa bansa para sa proteksyon ng mga mamamayan at dayuhang na binibiktima ng ganitong uri ng human trafficking scheme. // LB, edited MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *